Thursday, April 14, 2016

Gusto Kong Tanungin Mo Ako

Gusto kong tanungin mo ako
Ng mga bagay
Na hindi kayang ipaliwanag
Magdamag.
Para sa akin lang ang oras mo.

Gusto kong kulitin mo ako
Sa mga bagay
Na hindi mo alam.
Kahit magmukha akong tanga
Kung hindi ko alam ang sagot.
Basta akin lamang
Ang oras mo.

Pero hindi ka nagtanong,
Hindi ka nangulit.






*If you like this poem, please subscribe. Thank you! :)*

3 comments:

  1. Aray. Gagawin ang lahat para sa kanya lang ang oras... o atensyon, pero wala. Bay naman.

    Anyway, hello Bayani! Welcome to blogger! I follow na your blog ^_^

    ReplyDelete