Tuwing
hatinggabi,
Nagkukubli
ako sa katahimikan
At taimtim
na nakikinig sa anumang
iluwal ng dilim:
Ang mga
kulisap na waring naghahabi ng kanilang awit sa laylayan ng gabi,
Ang alulong
ng asong nagmumula sa kabila ng mga natutulog na tahanan,
Paghipo ng
di-mapakaling kamay ng hangin sa mga dahoon,
Maging ang
mga lamok, mga mumunting sugo ng pangamba na may pakpak na pilak.
Naghihintay
ako,
Tiyak na sa
gitna ng habing ito ng mga tunog
Ay muling
maririnig ang nakasanayang yabag—
Mga kilalang
yabag, gaya ng pagkakakilala ng dalampasigan sa dagat,
Taglay ang
mga salitang:
Mahal,
narito na ako.
Kaya't
iniiwang bukás ang pintuan ng aking puso,
Parang
ilawang patuloy na nag-aalab sa isang bintanang walang nakakakita, nakikinig
Sa sandaling
ang pagkawala ay muling maging pagdating.
Ngunit
walang dumarating.
Tanging ang
gabi,
Kasing lalim
ng isang liham na hindi naisulat.
English Translation
Every
midnight,
I immerse
myself in silence
And listen to whatever the dark sets loose:
The crickets
stitching their small songs into the hem of the night,
A dog
howling somewhere beyond the sleeping houses,
The wind
laying its restless hands upon the leaves,
Even the
mosquitoes, tiny harbingers with their silver threats.
I wait,
Certain that
through this woven cloak of sounds
Those
familiar footsteps will return—
Footsteps I
know as the shore knows the tide,
Carrying the
words:
My love,
I am here.
So I keep
the door of my heart unlatched,
A lamp
burning in an unseen window, listening for the sound
Of absence
turning back into presence.
But nothing
comes.
Only the
night,
Deep as an
unwritten letter.
No comments:
Post a Comment