Mayo rin noon.
Hubad tayong magkatalikod sa inyong kama.
Tila dalawang estrangherong naipit sa digma.
Subalit, walang bahagi ng isa’t isa ang hindi natin kilala.
Kabisado ng ating puso ang bawat tunog na kayang likhain ng
laman,
Bawat marahang pagbasag ng hininga, bawat paghingal na tila pagtataksil
sa sarili.
Kilala ko ang bawat hugis at kurba ng iyong katawan
Na daang-ulit nang binagtas at ginalugad,
Gaya ng malalim na pagkakakilala mo sa akin.
Gano’n pa man, kahit ilang ulit nating inaangkin ang isa’t
isa
Hindi natin kailanman ito naging pagmamay-ari.
Umapaw na ang alulod bago pa man magpasyang lumuha ang
langit.
Musika ang iyong banayad na hilik na sinasaliwan
Ng aliw-iw ng hangin. Tumayo ako at nagbihis sa gitna ng
katahimikan.
"Hintayin mo nang tumila ang ulan," wika mo habang
pinagmamasdan akong umalis
Ang tinig mo'y tila panaginip, hindi ako lumingon.
"Gamot daw ang unang ulan ng Mayo," ang tanging
tugon ko.
The First Rain of May
It was May then, too.
We were naked, backs turned to each other in your bed.
Like two strangers caught in a war.
But, there was no part of each other we did not know.
We knew by heart every sound the flesh could create,
Each gentle shattering of breath, each gasp that felt like a
betrayal of oneself.
I knew every shape and curve of your body
That had been crossed and explored a hundred times over,
Just as you deeply knew me.
Even so, no matter how many times we claimed each other
It was never ours to own.
The gutter had already overflowed before the sky decided to
weep.
Your gentle snoring was music accompanied
By the murmur of the wind. I stood up and dressed in the
midst of silence.
“Wait for the rain to stop,” you said as you watched me leave
Your voice was like a dream, I did not look back.
“They say, first rain of May, washes everything clean,” was
my only reply.
No comments:
Post a Comment